Friday, March 19, 2010

Kinds of Facebook People (Maaaring Part One ito)

I am so excited na may bloggity na akey! Makes me want to blog my recent Cebu and Bohol trip? Payabang lang you know. Sabagay depende sa babasa yan... Others will be envious, others will be like, "hello, we're always there" ( e so?), others naman no care.

Ayun... Pag-usapan natin ang Facebook ng mga kapipolan!

Daliii! Na-excite ako bigla.

Number one, pakwan. Facebookers na post ng status and then later on like it and then yes yes yes comment about it. Ikaw na, ikaw na lahat. Why not comment ka again. Hehe. Nakakaloka 'to minsan kasi di sila makapag-wait na may mag-like ng status o may mag-comment sa status nila. Inisip ko lang din why not isama na lang nila yung comment nila sa status nila sa mismong status nila? Sorry ah, funny for me eh.

Second, Fbkers na araw-araw ang palit ng Profile pic! Ok lang sana e kiya lang with matching post ito sa wall. Nanghihingi talaga ng mga comments na, "wow naman", "astig ah", gwapo/sexy/ganda ah", when all they really mean is, "may picture ka na naman! di ka ba napapagod" o "you love yourself so much?" with matching tawa deep down. Hihihi.

Thirdness, ang Fbker na online 24/7. Ito nama'y hindi idle ha. As in talagang green ang bilog at active 24/7. Nakatulog ka na, nakakain ka na, nakaligo na ko, nakapups ka na, nakapaglinis ka na ng kuko, nakatulong ka na sa mahihirap aba naman, online pa rin. Astig! (Teka makapag-logout nga.) I mean hello, life much?

Fourthnessbells, Fbker na bawat kibot picture! As in bawat adventure kahit di naman talaga adventure may album! O bago ako magreact, magrarationalize lang ako (hahaha) at least ang sandamukal kong albums e beaches, out of towns, vacays you know. E yung iba naman talaga namang ang level e picturaka ng basong ininuman sa bahay ganon. (Ang linis linis ko talaga kahit ang dami ko ring albums, hehehe.)

Ay Fifthness, feeling ko nagbigay ang FB ng lisensya para gawing ultimate prime yabangan center ang Facebook. O bago ulit ako mag-react (hehe) ako nagpopost ako derecho ng pics di na ako yung "I will go to Boracay. I so have the time, the friends and the money." I'm kewl like that e. Pictures na agad. Wala na yung mga pa epek pang, "Going to the airport kasi bakasyon galore ako e." At dedma rin ako sa post na mga yabang gadgets. "Oooh I have laptop na." "Oooh I'm so cool I have DSLR." (Bitterness ako?)

Pang-anim! Ang mga dramatics! Ang mga emoness! Ang mga begging for comments and reassurance and love and support and attention! Ok lang paminsan-minsan share mo sa friends mo what you're feeling kaya nga may social networking site, tas may friends kang network and etcetera. Pero pag minuminuto, pag laging galit sayo ang mundo, iniwan ka ng langgam mo, ayaw mo ng palabas, pangit ka, mataba ka, insecureness, negativity... i-hide na lang kaya kita? (I-hide ko na nga lang kaya?)

Pang-pito. Akong ako lang to! Ang mga mahilig mag-like lang dahil tinatamad mag-comment. Gusto pa rin kaclose ang mga friends sa FB kahit di ganong nagkikita kaya to show that you are appreciating their posts pero tinatamad ka to comment, mag la-like ka na lang. Hehehe. Like, like, like, like! Pero ok ang like pag di talaga kayo close nung friend mo sa FB. Kasi parang ilang factor pag nag-comment ka. Pero pansin ko puro like din ang mga nakukuha ko sa posts ko.

Marami pa, tinatamad na ko. Bye.

HOLDAP sa Aurora Blvd. 115am-130am 28/07/2009 (Nakuha/Binigay ko ang kikay kit ko)

(July last year to. Transfer ko lang dito sa bago kong posh na account.)

So mga 115-130 am nasa Cubao na ko. Nakita ko yung kilala ko lang sa mukha na schoolmate ko nung hs na lalaki so medyo tinabihan ko sya mag-antay ng jeep kasi syempre kahit pano kilala ko na.

May dumaang jeep, pinara niya, sumakay na rin ako. Tinabihan ko sya para safe kahit pano. Pero mas maluwang yung harap ng upuan niya pero tinabihan ko talaga siya, kasi, nakita ko na may yosi yung mama (who turned out to be a magnanakaw nga). Kung nagyoyosi ka, sorry to say, pero i prefer people who have clean lungs.

Tumitingin sila sakin pero no care ako talaga kasi masaya ko.

Yun na nga. Sabi ko mukhang magnanakaw tong mga to kasi ang pangit din nung katabi niya. Nakatingin lang ako sa labas kasi ayokong mastress. Sanay na kasi akong nag-iisip na may mangyayaring masama every night, pagod na ko. Two nights in a row kaya dati may gustong mananching! Tinatakpan ko talaga dibdib ko. Tinatry kasi nila idikit yung braso nila sa gilid ng dibdib ko. Tas tinitignan nila ko ng masama na tipong bat ka lumalaban so honestly i prefer hold upping than other things, you know kasi makakasapak talaga ko ng di oras. I have strong fists. No joke.

So anyways, asan na ko? Ayun. Biglang may commotion di ko alam nangyayari. Sabi nung isa, cellphone cellphone wallet (parang seiko seiko wallet lang), nasa baba na siya ng jeep. Yung isa nasa gitna, nasa harap ko, nangongolekta ng mga cellphone na di naman kanya. Yung isa nasa likod ni manong driver may super shiny na balisong, kutsilyo whatever na tipong palara na makinis. Ang shiny talaga!

Nasad ako bigla... Kasi mabilis akong mag-isip at alam ko na ang kailangan kong igive up, yung kikay kit ko na may lamang lip products na mahal na mahal ko. Ayaw pa nilang kunin yung kikay kit ko matagal ko pa siyang hinawakan kaya naisip kong kunin yung pressed powder ko. I love that e. (So alam ko na ang sagot sa, kung igigive up mo ang kikay kit mo, ano ang isesave mo?)

Yung PDA phone kasi na gamit ko na debatable pa kung akin o kay Mark (na ngayon ko lang dinala after a very long time for a special reason) e nasa baunan ko, as a habit kasi inaanticipate ko na talaga mga ganung pangyayari.

Ayaw pa nilang kunin, so nakuha ko yung pressed powder ko. Sana lang kinuha ko yung lip and cheek tint ko (kaya pala iba tingin ko sa kanya nung ginamit ko sya kahapon, yun na pala huli naming pagkikita).

Anyways, an daming segueway! Kinuha na rin nila yung kikay kit kong colorful and flowery (I miss you…). Tapos nag-rounds ulit si kuya na nasa harap ko namimilit silang manguha ng mga cellphones. Bumalik siya ulit sakin, sinigawan ko talaga siya, “Binigay ko na ah!” Tas bumaba si kuyang pangit. Di ko alam kung natakot siya sa sigaw kong naiinis at nagngangalit pero we’ll never know.

Eto pa may drama pa ang boyband ng makababa silang tatlo. “Pre iderecho mo byahe wag kayong titigil kundi yada yada yada…” Mga two minutes siguro yun. As in may drama na tipong ‘nakakatakot ako’ ganon. Ang pangit mo kuya! Di ka artista. May checkpoints kasi minsan sa may 20th, minsan sa Anonas, minsan sa Katipunan. Tonight wala! Hmmm, makes me wonder…

After the storm, napuno ang jeep ng inis at panghihinayang at takot. May ate na umiiyak, katabi nung schoolmate ko nung hs na hindi ko talaga kilala. Gusto ko siyang icomfort kasi pinilit talaga siya na buksan yung bag niya. They really spent time harassing her and I sincerely hope she’s fine now. Di ko sya macomfort kasi si kuyang schoolmate, nakaharang kasi katabi ko nga diba.

Nangyari ang hold uppan sa tapat ng St. Joseph. Kaya siguro I wasn’t really afraid. He’s with me I know just like He has always been beside me. Tumigil ang jeep sa Katipunan kasi may mobile ng police na nasa dilim! Bumaba yung ilan, nag sumbong at bumalik ng jeep. Bumaba ako ng Barangka, my stop. Tricycle. I’m home safe.

Sana ganito ako kabilis gumawa ng cover letter at reports.

Sa mga taong hindi nagustuhan yung blog ko kasi may element ng comedy sa isang napakaseryosong sitwasyon at sa mga taong hindi maintindihan kung bakit blinog ko pa to, humihingi ako ng pang-unawa. Ganito ko nakikita yung sitwasyon at gusto kong ilahad ang mga pangyayari to educate others who might, God forbid, experience the same situation. I choose to not be affected and move on as life goes on. My necklace was snatched twice in Cubao before (lucky I was able to grab it both times before they can). I had my share of these awful things and it’s very very sad that I’m kind of used to it. It’s sad that you just have to have a strong persona to fight this. God has always been with me through tough times and with Him you’ll never have to worry.

Napa-english tuloy ako. Salamat sa mga nag-care, sa mga nag-comment, sa tumawag. I love you all! (Malapit na birthday ko so please wag akong bigyan ng kikay bag).

Kwentong Senior Citizen Lane sa Riverbanks

Mejo matagal na to ng slight.

Nag-grocery kami ng nanay ko sa Riverbanks Save More. E di get na ng groceries ganyan. Maraming tao super, pero ang ikinasasaya ko naman pag ganito e hindi kami magaantay ng matagal sa pila kasi si mama ko Senior Citizen. May designated na lane para sa mga Senior Citizen sa Cashier.

Mama ko mahilig mag-hagis hagis ng produkto na hawak nya. Tipong parang sway sway pag naglalakad? Kaya bukod sa mabagal siya maglakad kasi mature na, naks mature, e parang naglalaro pa sya. So nauna na ko papunta sa lane. May nakapila ng dalawang mature na ladies, pagkakita pa lang sakin nastress na sila (wala pa ko sa pila ah), "Neng, Senior dito!"

"Ay opo. May kasama po ako."

E di pila ganyan. Pang-apat kami. Natapos na yung sineserve nung pumila kami. So pangatlo na kami agad.

Di ko alam kung ano yung pinagbibibili ni lola na nasa cashier na nga. Busy ako sa paniningin ng mga magazines sa rack duon. Tas si Lola 2 na susunod na nasa harap ko napansin ko nakatitig sa condoms. Natawa talaga ko inside. Hihihi.

Lahat na ng magazines natignan ko, mga paninda dun sa gilid na iniiwan kasi kulang budget o ayaw na nila yun bigla, mga baterya, toothbrush, hersheys, polo candies, napansin ko na, kako bat ang tagal. Yun pala si Lola na nasa Cashier nagbayad ng gastos niya in coins!

200+ yun in coins! Ulitin natin 200+ yun in coins! Take note, as in have a pen and paper handy, tig-pipiso ate't kuya!

Binilang niya tas biglang nadistract siya inulit niya ulit! Ngumingiti lang yung Ateng Cashier at yung kuyang bagger. Pagtingin ko sa likod namin, ang haba na ng pila ng mga mature people na grayish na yung hair, kawawa kasi nakatayo sila, waiting.

Di na napigilan ni Cashier at Bagger na sila na lang yung magbilang. May game plan pa, naghati sila ng coins tas add na lang later ang bilang.

Mga mature people talaga. Pinahirapan pa ang sarili, mabigat ang coins diba? Asan ang mga anak, apo, pamangkin niya?

On to the next one. Pangalawa na kami, sunod na kami.

Di ko napansin pero ang binili lang ni Lola (yung tumitig sa condoms), napakaraming saluyot. Siguro mga sampung bugkos ng saluyot. E di ba iba-iba presyo nun na naka-balot sa pinakapuno ng saluyot? Na ang hirap iscan! Maraming hindi pa mascan kaya megatype si ateng cashier sa machine ng bar code numbers.

Hay.. Nagugutom na kasi ako kaya ako natagalan dun.

Kumain kami sa Gudsilog. Sabi ni mama, itake out daw namin si Papa ng siomai sa Siomai House. Sweet no? Haha, pero nung nakabili na kami ng siomai hinahagis hagis niya rin parang sway sway habang walking.

Finallyness!

After several accounts I think I will finally keep this one. (Weh?)

And also because i have so much in my mind right now. I seriously need an outlet.

Let's get to it!

I hate my officemate! I forget important things because I constantly think of how he makes me hate going to work. Grrrness. He will just get on your nerves. He will haunt you, he will eat you alive. Hehe joke. Or will he?

His name is JM. The yaman-yamanan JM. Well, let me explain first.

I am officer-officeran in our teeny tiny company. It's my job to ensure that people work and other things. They are like kids who need constant reminding.

"O magtrabaho."

"O wag mag-browse ng porn." (hihi)

"O wag maarte." They are so maarte. Like, they like, they're like, don't like, smells like. Hahaha. (Mali, mali naman grammar nila mapuna sila sa iba... Yup, it's also my job to ensure they don't give away our location by making sure na hindi kaengengengeng their English. (",) )

"O wag lumulusot pa." Lulusot pa e, with their mga palusots. What's funny is that they think they are cleverer than you.

Ooops... Si JM nga lang ba? Bakit they ako ng they?! Hahaha... Ok I'll admit it. They're more than one but I think JM highlights other people's bad side. He brings out the bad in them. Coz except JM, they can be sometimes sad (cough cough old), este sweet.

Don't get me wrong you reader. I'm nice (kuu, nagpapaliwanag pa). The majority of my officemates love me. They get me, I get them. We’re friends, barkada ba? After all, I'm a nice and great friend. Papautangin kita kung may cash ako. Why not? Gigising ako in the middle of the night pag may problema ka. Sasamahan kita kahit pa magalit si cute kong bf kung kailangan mo ko. Pero kung trabaho, trabaho. If you don't get that, bahala ka sa buhay mo.

I think that they don't get it (puro get get get, aw?!)They were given the freedom to do whatever they want and they abused it. They are starting to resent that they are doing their jobs. (To them:) Hello, it's your job to work kaya. You are paid to work. So if you're requested to work don't give me a bitchesang answer. Nahahalata na hindi ka straight with your bitchesang attitude. Shoot, I let out a secret…

Oo na. You have problems eklaver. Boohoo. I too have problems, believe me (I just don't bitch about it everyday, no, I don’t bitch about it at all, dito lang hahaha), pero is it too much to ask to just do what you're supposed to do?

Uber negativeness lang ang dating nila sa ibang mga kaopisinang gusto lang ng simpleng work life. People are thinking of getting out because of them. If you have that kind of effect on people, nakakatulog ka pa ba?

They assume, they demand, their negative, they bitch a lot. E hindi naman sila performers, hindi naman sila magagaling. Ang aarrte pa (shempre double r)! Payaman effect to everyone, seriously. Pero yung mga pinagpapayabangan naman nila ang mga inuutangan nila. At hindi naman sila kagagandang tao kung makapanlait ng ibang officemates, ganun ganon na lang.

Sometimes I want to be brutally honest and say bitchesang things (kaya lang I’m wholesome). And sometimes I just want to let them be so they will not affect me. But I can't stand the way they bash our other officemates I consider as friends, the company, the job and our bosses. I mean we can sometimes hate our bosses but they are our bosses and it's their job to make us sometimes hate them but we should also respect them kasi they are the owners of the company. With the way they have treated us for the past years I think they deserve so much more pa nga other than what we're just supposed to do. My hellmates don't effin realize it kasi. They think they are so kawawa because they are not allowed to text and call people during work hours, not allowed to browse porn (hihi talaga), not allowed to chat, not allowed to have breaks forever, blah blah blah.

Yoko na, lech. Paunahan na lang mag-hanap ng bagong work o. Sayang I like pa naman what I'm doing. Good morning Saturday!