Friday, March 19, 2010
Kinds of Facebook People (Maaaring Part One ito)
HOLDAP sa Aurora Blvd. 115am-130am 28/07/2009 (Nakuha/Binigay ko ang kikay kit ko)
May dumaang jeep, pinara niya, sumakay na rin ako. Tinabihan ko sya para safe kahit pano. Pero mas maluwang yung harap ng upuan niya pero tinabihan ko talaga siya, kasi, nakita ko na may yosi yung mama (who turned out to be a magnanakaw nga). Kung nagyoyosi ka, sorry to say, pero i prefer people who have clean lungs.
Tumitingin sila sakin pero no care ako talaga kasi masaya ko.
Yun na nga. Sabi ko mukhang magnanakaw tong mga to kasi ang pangit din nung katabi niya. Nakatingin lang ako sa labas kasi ayokong mastress. Sanay na kasi akong nag-iisip na may mangyayaring masama every night, pagod na ko. Two nights in a row kaya dati may gustong mananching! Tinatakpan ko talaga dibdib ko. Tinatry kasi nila idikit yung braso nila sa gilid ng dibdib ko. Tas tinitignan nila ko ng masama na tipong bat ka lumalaban so honestly i prefer hold upping than other things, you know kasi makakasapak talaga ko ng di oras. I have strong fists. No joke.
So anyways, asan na ko? Ayun. Biglang may commotion di ko alam nangyayari. Sabi nung isa, cellphone cellphone wallet (parang seiko seiko wallet lang), nasa baba na siya ng jeep. Yung isa nasa gitna, nasa harap ko, nangongolekta ng mga cellphone na di naman kanya. Yung isa nasa likod ni manong driver may super shiny na balisong, kutsilyo whatever na tipong palara na makinis. Ang shiny talaga!
Nasad ako bigla... Kasi mabilis akong mag-isip at alam ko na ang kailangan kong igive up, yung kikay kit ko na may lamang lip products na mahal na mahal ko. Ayaw pa nilang kunin yung kikay kit ko matagal ko pa siyang hinawakan kaya naisip kong kunin yung pressed powder ko. I love that e. (So alam ko na ang sagot sa, kung igigive up mo ang kikay kit mo, ano ang isesave mo?)
Yung PDA phone kasi na gamit ko na debatable pa kung akin o kay Mark (na ngayon ko lang dinala after a very long time for a special reason) e nasa baunan ko, as a habit kasi inaanticipate ko na talaga mga ganung pangyayari.
Ayaw pa nilang kunin, so nakuha ko yung pressed powder ko. Sana lang kinuha ko yung lip and cheek tint ko (kaya pala iba tingin ko sa kanya nung ginamit ko sya kahapon, yun na pala huli naming pagkikita).
Anyways, an daming segueway! Kinuha na rin nila yung kikay kit kong colorful and flowery (I miss you…). Tapos nag-rounds ulit si kuya na nasa harap ko namimilit silang manguha ng mga cellphones. Bumalik siya ulit sakin, sinigawan ko talaga siya, “Binigay ko na ah!” Tas bumaba si kuyang pangit. Di ko alam kung natakot siya sa sigaw kong naiinis at nagngangalit pero we’ll never know.
Eto pa may drama pa ang boyband ng makababa silang tatlo. “Pre iderecho mo byahe wag kayong titigil kundi yada yada yada…” Mga two minutes siguro yun. As in may drama na tipong ‘nakakatakot ako’ ganon. Ang pangit mo kuya! Di ka artista. May checkpoints kasi minsan sa may 20th, minsan sa Anonas, minsan sa Katipunan. Tonight wala! Hmmm, makes me wonder…
After the storm, napuno ang jeep ng inis at panghihinayang at takot. May ate na umiiyak, katabi nung schoolmate ko nung hs na hindi ko talaga kilala. Gusto ko siyang icomfort kasi pinilit talaga siya na buksan yung bag niya. They really spent time harassing her and I sincerely hope she’s fine now. Di ko sya macomfort kasi si kuyang schoolmate, nakaharang kasi katabi ko nga diba.
Nangyari ang hold uppan sa tapat ng St. Joseph. Kaya siguro I wasn’t really afraid. He’s with me I know just like He has always been beside me. Tumigil ang jeep sa Katipunan kasi may mobile ng police na nasa dilim! Bumaba yung ilan, nag sumbong at bumalik ng jeep. Bumaba ako ng Barangka, my stop. Tricycle. I’m home safe.
Sana ganito ako kabilis gumawa ng cover letter at reports.
Sa mga taong hindi nagustuhan yung blog ko kasi may element ng comedy sa isang napakaseryosong sitwasyon at sa mga taong hindi maintindihan kung bakit blinog ko pa to, humihingi ako ng pang-unawa. Ganito ko nakikita yung sitwasyon at gusto kong ilahad ang mga pangyayari to educate others who might, God forbid, experience the same situation. I choose to not be affected and move on as life goes on. My necklace was snatched twice in Cubao before (lucky I was able to grab it both times before they can). I had my share of these awful things and it’s very very sad that I’m kind of used to it. It’s sad that you just have to have a strong persona to fight this. God has always been with me through tough times and with Him you’ll never have to worry.
Napa-english tuloy ako. Salamat sa mga nag-care, sa mga nag-comment, sa tumawag. I love you all! (Malapit na birthday ko so please wag akong bigyan ng kikay bag).
Kwentong Senior Citizen Lane sa Riverbanks
Mama ko mahilig mag-hagis hagis ng produkto na hawak nya. Tipong parang sway sway pag naglalakad? Kaya bukod sa mabagal siya maglakad kasi mature na, naks mature, e parang naglalaro pa sya. So nauna na ko papunta sa lane. May nakapila ng dalawang mature na ladies, pagkakita pa lang sakin nastress na sila (wala pa ko sa pila ah), "Neng, Senior dito!"
"Ay opo. May kasama po ako."
E di pila ganyan. Pang-apat kami. Natapos na yung sineserve nung pumila kami. So pangatlo na kami agad.
Di ko alam kung ano yung pinagbibibili ni lola na nasa cashier na nga. Busy ako sa paniningin ng mga magazines sa rack duon. Tas si Lola 2 na susunod na nasa harap ko napansin ko nakatitig sa condoms. Natawa talaga ko inside. Hihihi.
Lahat na ng magazines natignan ko, mga paninda dun sa gilid na iniiwan kasi kulang budget o ayaw na nila yun bigla, mga baterya, toothbrush, hersheys, polo candies, napansin ko na, kako bat ang tagal. Yun pala si Lola na nasa Cashier nagbayad ng gastos niya in coins!
200+ yun in coins! Ulitin natin 200+ yun in coins! Take note, as in have a pen and paper handy, tig-pipiso ate't kuya!
Binilang niya tas biglang nadistract siya inulit niya ulit! Ngumingiti lang yung Ateng Cashier at yung kuyang bagger. Pagtingin ko sa likod namin, ang haba na ng pila ng mga mature people na grayish na yung hair, kawawa kasi nakatayo sila, waiting.
Di na napigilan ni Cashier at Bagger na sila na lang yung magbilang. May game plan pa, naghati sila ng coins tas add na lang later ang bilang.
Mga mature people talaga. Pinahirapan pa ang sarili, mabigat ang coins diba? Asan ang mga anak, apo, pamangkin niya?
On to the next one. Pangalawa na kami, sunod na kami.
Di ko napansin pero ang binili lang ni Lola (yung tumitig sa condoms), napakaraming saluyot. Siguro mga sampung bugkos ng saluyot. E di ba iba-iba presyo nun na naka-balot sa pinakapuno ng saluyot? Na ang hirap iscan! Maraming hindi pa mascan kaya megatype si ateng cashier sa machine ng bar code numbers.
Hay.. Nagugutom na kasi ako kaya ako natagalan dun.
Kumain kami sa Gudsilog. Sabi ni mama, itake out daw namin si Papa ng siomai sa Siomai House. Sweet no? Haha, pero nung nakabili na kami ng siomai hinahagis hagis niya rin parang sway sway habang walking.
Finallyness!
After several accounts I think I will finally keep this one. (Weh?)
And also because i have so much in my mind right now. I seriously need an outlet.
Let's get to it!
I hate my officemate! I forget important things because I constantly think of how he makes me hate going to work. Grrrness. He will just get on your nerves. He will haunt you, he will eat you alive. Hehe joke. Or will he?
His name is JM. The yaman-yamanan JM. Well, let me explain first.
I am officer-officeran in our teeny tiny company. It's my job to ensure that people work and other things. They are like kids who need constant reminding.
"O magtrabaho."
"O wag mag-browse ng porn." (hihi)
"O wag maarte." They are so maarte. Like, they like, they're like, don't like, smells like. Hahaha. (
"O wag lumulusot pa." Lulusot pa e, with their mga palusots. What's funny is that they think they are cleverer than you.
Ooops... Si JM nga lang ba? Bakit they ako ng they?! Hahaha... Ok I'll admit it. They're more than one but I think JM highlights other people's bad side. He brings out the bad in them. Coz except JM, they can be sometimes sad (cough cough old), este sweet.
Don't get me wrong you reader. I'm nice (kuu, nagpapaliwanag pa). The majority of my officemates love me. They get me, I get them. We’re friends, barkada ba? After all, I'm a nice and great friend. Papautangin kita kung may cash ako. Why not? Gigising ako in the middle of the night pag may problema ka. Sasamahan kita kahit pa magalit si cute kong bf kung kailangan mo ko. Pero kung trabaho, trabaho. If you don't get that, bahala ka sa buhay mo.
I think that they don't get it (puro get get get, aw?!)They were given the freedom to do whatever they want and they abused it. They are starting to resent that they are doing their jobs. (To them:) Hello, it's your job to work kaya. You are paid to work. So if you're requested to work don't give me a bitchesang answer. Nahahalata na hindi ka straight with your bitchesang attitude. Shoot, I let out a secret…
Oo na. You have problems eklaver. Boohoo. I too have problems, believe me (I just don't bitch about it everyday, no, I don’t bitch about it at all, dito lang hahaha), pero is it too much to ask to just do what you're supposed to do?
Uber negativeness lang ang dating nila sa ibang mga kaopisinang gusto lang ng simpleng work life. People are thinking of getting out because of them. If you have that kind of effect on people, nakakatulog ka pa ba?
They assume, they demand, their negative, they bitch a lot. E hindi naman sila performers, hindi naman sila magagaling. Ang aarrte pa (shempre double r)! Payaman effect to everyone, seriously. Pero yung mga pinagpapayabangan naman nila ang mga inuutangan nila. At hindi naman sila kagagandang tao kung makapanlait ng ibang officemates, ganun ganon na lang.
Sometimes I want to be brutally honest and say bitchesang things (kaya lang I’m wholesome). And sometimes I just want to let them be so they will not affect me. But I can't stand the way they bash our other officemates I consider as friends, the company, the job and our bosses. I mean we can sometimes hate our bosses but they are our bosses and it's their job to make us sometimes hate them but we should also respect them kasi they are the owners of the company. With the way they have treated us for the past years I think they deserve so much more pa nga other than what we're just supposed to do. My hellmates don't effin realize it kasi. They think they are so kawawa because they are not allowed to text and call people during work hours, not allowed to browse porn (hihi talaga), not allowed to chat, not allowed to have breaks forever, blah blah blah.
Yoko na, lech. Paunahan na lang mag-hanap ng bagong work o. Sayang I like pa naman what I'm doing. Good morning Saturday!